Naabot na ang critical capacity sa ICU bed utilization sa Makati, Malabon at Quezon city.
Sa Laging Handa public press briefing sinabi ni Health Undersecretary at Treatment Czar Leopoldo Vega na sa mga nabanggit na lungsod kadalasang nagre-refer sila sa iba pang lungsod o kalapit na lalawigan ng National Capital Region (NCR) upang pagdalhan ng mga severe at critical patients.
Sa ngayon, sa kabuuang sitwasyon sa Metro Manila ay nasa high risk category na ang mga ospital dahil na rin sa dami ng mga tinatamaan ng COVID-19.
Base sa pinakahuling datos, nasa 73% na ang na utilized na ICU beds sa NCR, 61% utilized sa isolation beds habang 70% ang utilized sa ward beds at 62% sa mga ventilators.
Facebook Comments