ICU utilization rate sa Metro Manila, bumaba na – Malakanyang

Bumaba na ang utilization rate ng mga intensive care unit (ICU) bansa.

Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, nasa moderate risk na rin ang mga ICU beds sa buong bansa.

Pero gayunman, kapansin-pansin na tuloy-tuloy pa rin ang pagdami ng mga COVID-19 patiens sa iba’t ibang ospital sa Metro Manila.


Sa Doctor Jose Fabella Memorial Hospital sa Metro Manila, nadagdagan pa ng 28 buntis ang mga naka-confine simula nitong miyerkules kaya halos puno na ang kanilang mga kama.

Habang sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center naman ay nasa 60 hanggang 65% pa rin ang kabuuang healthcare utilization rate.

Facebook Comments