ID SYSTEM | Mga senador, iginiit na walang dapat ikatakot sa National ID System

Manila, Philippines – Pinuri ng mga senador ang pagpirma ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Philippine Identification System Act.

Pagtiyak ni Senate Minority Leader Franklin Drilon, sapat ang inilagay nilang safeguards o mga probisyon na magbibigay-proteskyon sa privacy ninuman bukod pa sa pag-iral din ng Data Privacy Act.

Giit naman ni Senator JV Ejercito, walang dapat matakot sa batas na ito maliban sa mga taong may masamang balak na maghasik ng kriminalidad o terorismo.


Ipinagmalaki naman ni Senator Sonny Angara na dahil sa National ID System, ay mapapabilang na ang Pilipinas sa mga developed o mauunlad na bansa sa buong mundo na may gobyernong maayos ang sistema ng operasyon at pagkakaloob ng serbisyo sa mamamayan.

Diin naman ni Senator Panfilo Ping Lacson, daan ang National ID System para mailapit sa mga mahihirap na Pilipino ang tulong ng gobyerno.

Ayon kay Lacson, mapapabilis ang transaksiyon ng isang indibiduwal sa mga ahensiya ng pamahalaan sa oras na magkaroon siya ng National ID dahil ito na lamang ang pagbabatayan ng kanyang pagkakakilanlan.

Nakakatiyak din si Lacson na makakatulong ang National ID para matukoy o mahanap ang mga taong may atraso o kaya ay may mga kinasasangkutang krimen.

Facebook Comments