IDADAAN SA MABUTING USAPAN | Legal organizations na sumusuporta sa NPA, tukoy na ng militar

Manila, Philippines – Natukoy na ng Armed forces of the Philippines (AFP) ang mga grupo o mga organisasyong sumusuporta sa New People’s Army.

Pero ayon kay AFP Chief of Staff General Rey Leonardo Guerrero, gumagawa na sila ng hakbang ngayon para maresolba ang problemang ito sa hindi marahas na pamamaraan.

Sinabi ng opisyal na hindi maaring armado o hindi mula sa kanilang hanay ang kukompronta sa mga legal organizations na ito.


Aniya mayroon nang mga government agencies ang umaaksyon sa problemang ito.

Matatandaang mula ng pormal ng tapusin ng Pangulong Rodrigo Duterte ang peace talks sa Communist Party of the Philipines(CPP), New People’s Army (NPA), National Democratic Front(NDF) sunod-sunod ang naging pag-atake ng NPA kung saan malimit nilang ginagawang pananambang sa tropa ng pamahalaan.

Facebook Comments