IDB Chair at mga miyembro, nag-courtesy call sa liderato ng MILF!

Matapos bumisita sa Camp Rajamuda, Eastern Mindanao Front sa Pikit North Cotabato, nag-courtesy call naman sa liderato ng Moro Islamic Liberation front ang Chair ng Independent Decommissioning Body (IDB) Ambassador Levent Sahinkaya at mga miyembro nito sa camp Darapanan, Sultan Kudarat, Maguindanao.
Mainit namang tinanggap ni MILF Chairman Al Haj Murad Ebrahim ang mga bisita kung saan inihayag nito ang kasiyahan sa pagiging aktibo ng IDB at kahandaan sa mandato nito sa kabila ng ang decommissioning ay nahinto para sa pagpasa ng Bangsamoro Basic Law.
Inihayag naman ni Ambassador Sahinkaya na ang pagbisita ng IDB sa iba’t-ibang MILF camps ay bahagi ng kanilang decommissioning process para sa next phase.
Muli ring inihayag ng IDB ang kanilang commitment para sa tagumpay ng usapang pangkapayapaan sa pagitan ng gobyerno ng Pilipinas at MILF. (photo from MILF official website)

Facebook Comments