Manila, Philippines – Idenepensa ni Justice Secretary Menardo Guevarra ang pagkakahirang ng Pangulong Duterte kay Chief Justice Teresita Leonardo-De Castro.
Ayon kay Guevarra, ang appointment kay De Castro ay base sa on merito at sa kanyang pagiging isa sa most senior justices ng Korte Suprema.
Bukod aniya dito, naipasa ni De Castro ang mahigpit na screening ng Judicial and Bar Council (JBC) sa Statement of Assets, Liabilities and Net Worth o SALN.
Magugunitang ang kabiguang makapagsumite ng SALN ang naging basehan kaya napatalsik si dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Facebook Comments