Idinaos na fiesta sa Baclaran, iniimbestigahan na ng PNP

Pinaiimbestigahan na ni Philippine National Police (PNP) Chief General Guillermo Eleazar ang pagdiriwang ng fiesta sa Baclaran kahapon.

Ito ay makaraang magkaroon ng mga report ng paglabag sa health protocol dahil may mga mass gathering at mga bata na nakalabas kahit bawal.

Ayon kay Eleazar, aalamin sa imbestigasyon ang pagkukulang ng mga pulis na nakasasakop sa lugar, gayundin ang mga tauhan ng barangay.


Dadaan aniya ito sa tamang proseso para mapagpaliwanag ang mga awtoridad at kung mapatunayang may pagkakamali ay agad paparusahan.

Samantala, sinabi naman ni Eleazar sa mga district director na kung naging pabaya ang mga Chief of Police ay agad itong tanggalin.

Sinabi ni PNP Chief na mabilis ang hawahan tuwing may mga kainan, prusisyon o kahit anong selebrasyon.

Aniya, ito ang mga tinatawag na ‘super spreader events’ kaya huwag isugal ang kaligtasan at kalusugan sa mga ganitong selebrasyon.

Facebook Comments