Naging matagumpay ang Manila Summer Pride 2024.
Ayon sa Department of Tourism (DOT), Culture, and Arts of Manila, nag-umpisa ang programa alas-singko ng hapon sa Kartilya ng Katipunan na may tema na Embracing the LGBTQIA+ Community.
Layon nitong kilalanin ang kwento ng bawat miyembro ng LGBT community tungo sa tuluyang pagtanggap ng lipunan.
Nag-umpisa ito sa pamamagitan ng parada at sinundan ng concert sa Kartilya.
Ayon sa Manila Local Government Unit (LGU), ang Summer Pride 2024 ay hindi lamang isang event kundi pagpapakita na seryoso ang pamahalaan sa pagkakaroon ng ligtas at inclusive na lungsod para sa bawat isa.
Nasa sampung performers ang nagtanghal kabilang ang Amazing Peanut, Charles & Yano, DJ JD Sy, DJ Jimmy Nocon, Empy Radora, Goddess Athena, House of Nak, Martha Amethyst, Matilduh, at Tiny Deluxe.