IDINAWIT | Dating Health Sec. Enrique Ona, isinabit sa Dengvaxia controversy

Manila, Philippines – Idinawit ni dating Health Sec. Janette Garin si dating DOH Sec. Dr. Enrique Ona sa kontrobersiyang kinasasangkutan ng Dengvaxia vaccine.

Sinabi ni Garin, si Ona ang nagpasya na gamitin ang Dengvaxia na gawa ng Sanofi Pasteur sa anti-dengue campaign ng pamahalaan.

Aniya, 2010 nang personal na isulong ni Ona ang dengvaxia sa immunity program ng pamahalaan.


Maituturing ring na unethical ang nasabing hakbang dahil hindi pa binibigyan noon ng go signal ng World Health Organization (WHO) ang paggamit ng nasabing bakuna kontra dengue.

Sa Lunes ay kabilang si Garin sa mga haharap sa gagawing pagdinig ng senado kung saan ipapaliwanag nito ang kanyang naging posisyon sa dengvaxia noong siya pa ang kalihim ng DOH.

Facebook Comments