IDINEKLARA | DOH, nagdeklara ng Leptospirosis Outbreak sa Metro Manila

Manila, Philippines – Umakyat na sa 52 kaso ng Leptopirosis ang ang nasawi sa 368 naitalang kaso simula buwan ng Enero 1 hanggang Hulyo 3 2018.

Sa ginanap na presscon sa DOH, sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na ang bilang pagtaas ng bilang ng kasong Leptopirosis ay nagsimula mula buwan ng June 10 hanggang July 3 2018 na umakyat sa 103 na kaso mas mataas ng 38 porsyento kumpara noong nakalipas na limang taon na umaabot lamang sa 76 na kaso kung saan ang QC ang pinakamalaking naitalang bilang na umaabot sa 40 cases, sinundan ng Taguig na 16 cases sa apat na Barangay, Paranaque 6 na kaso sa dalawang Brgy. at apat na kaso sa Pasig sa isang Barangay.

Pinayuhan naman ni Duque ang mga Lungsod gaya ng Navotas na mayroong 3 kaso ng Leptospirosis, Mandaluyong 3 sa isang Brgy at Malabon 3 kaso sa isang Barangay na maging alerto dahil sa sumunod na mataas na mga naitalang mayroong kasong Leptospirosis.


Paliwanag ng kalihim ang Leptospirosis nakukuha sa mga binahang lugar na kontaminado ng ihi ng mga daga, baboy, aso at kambing kung saan ang sintomas nito ay sumasakit ang hita,naninilaw ang mata at balat at kulay tea ang kanyang ihi at kapag hindi naagapan ay posibleng maapektuhan ang kanyang kidney at posibleng ikinamatay ng pasyente.

Facebook Comments