
Idineklara ng National Tobacco Administration (NTA) na illicit tobacco product ang sigarilyong “Thuoc lao.”
Nilinaw ni NTA Administrator at CEO Belinda Sanchez na walang sinumang binigyan ng ahensya ng pahintulot para angkatin ito sa bansa.
Binalaan ng NTA ang publiko na huwag tangkilikin ang naturang klase ng sigarilyo dahil mayroon itong mapanganib na side effects.
Nauna nang nag-viral sa social media ang ilang kabataan na kinakitaan ng panginginig o seizure-like symptoms matapos manigarilyo nito.
Ang “Thuoc lao” ay mula sa tabako na tumutubo sa kabundukan ng Hilagang Vietnam at tradisyunal na hinihithit gamit ang bamboo bong.
Ayon pa sa NTA, ang sigarilyong Thuoc lao ay mayroong nine percent nicotine content kumpara sa ordinaryong sigarilyo na mayroon lang avarage na one to three percent at nagtatagkay din ng synthetic cannabinoids.
Ayon sa NTA, ang sigarilyong Thuoc lao ay galing sa Indonesia at Malaysia at pinapadaan sa karagatan at sa pamamagitan ng entry point sa Zamboanga, General Santos, Davao at Palawan.
Inirekomenda ng NTA ang whole of government approach laban dito dahil organisado umano ang pagbebenta nito.
Sa pamamagitan ng online ang transaksyon dito at may kumukuha ng wholesale at retail.
Malimit din ay bina-bahay bahay o house to house ang pagbebenta sa Thuoc lao.









