IDINEKLARA | State of calamity idineklara na sa Boracay Island

Manila, Philippines – Idineklara na ni Pangulong Rodrigo Duterte na nasa state of calamity ang tatlong barangay na bumubuo sa Isla ng Boracay partikular ang Barangay Manoc-Manoc Balabag at Yapak.

Ito ang kinumpirma ni Special Assistant to the President Secretary Bong Go, ngayong nalagdaan na aniya ang isang proklamasyon ay makapagsisimula na ang rehabilitasyon ng Boracay matapos isara ngayong araw mula sa mga local at foreign tourist.

Tiniyak din ni Go na magtutulong-tulong ang mga ahensiya ng pamahalaan para mapabilis ang rehabilitasyon ng Boracay Island at magtutuloy-tuloy ang ayuda ng gobyerno sa mga maaapektuhang manggagawa at mga residente.


Umaasa naman si Go na maiintindihan ng publiko ang ginagawa ng gobyerno at makipagtulungan din para sa ikagaganda ng Boracay.

Pero sa ngayon ay wala paring pormal na deklarasyon o proklamasyon na inilalabas ang Malacañang sa pagsasailalim sa state of calamity sa Boracay Island.

Facebook Comments