Idineklarang dalawang araw na tigil-putukan ng Communist Party of the Philippines wala nang saysay ayon sa AFP

Hindi na mahalaga pa ang ideneklarang dalawang araw na tigil putukan ng Communist Party of the Philippines o CPP.

Ito ang inihayag ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Spokesperson Col. Medel Aguilar sa programang Bagong Pilipinas Ngayon.

Ayon sa opisyal, wala nang maayos na leadership ang Communist Party of the Philippines – New People’s Army – National Democratic Front (CPP- NPA- NDF) sa national level kaya nagtataka aniya ang AFP bakit pa nagpalabas nang statement ang kanilang central commitee kahit pa watak-watak na ang grupo.


Sinabi pa ni Aguilar, mahina na rin ang kakayahanng CPP- NPA -NDF na maglunsad nang anumang opensiba dahil marami na sa kanilang miyembro ang sumuko na sa pamahalaan.

Sa katunayan aniya mula buwan ng Enero hanggang nitong Nobyembre nang kasalukuyang taon ay mahigit 3,400 ang sumuko, ito ay 95 porsyento ng na neutralized na CPP-NPA personalities.

Dagdag pa ni Col. Aguilar marami na ring nabawing armas sa komunistang grupo gaya ng mga pampasabog.

Mahina na rin ayon kay Aguilar ang kanilang guerilla front na dati ay 89 pa ngayon ay 13 na lamang kaya malano anyang makapag-recruit pa ang mga ito at makakakuha ng resources.

Facebook Comments