IDINEPENSA | Light Rail Metro Corp. – iginiit na dapat na silang magtaas ng pasahe sa LRT – 1

Manila, Philippines – Idinepensa ng Light Rail Manila Corp. (LRMC) ang hirit nilang fare increase sa LRT line 1.

Ayon kay LRMC President at CEO Juan Alfonso – kailangan nilang magpatupad ng dagdag-singil dahil na rin sa pagtaas ng gastos sa operasyon ng mga tren.

Giit pa ng opisyal, halos wala na silang kinikita dahil kahit lumaki ang gastos nila, hindi naman daw nabago ang singil sa pasahe simula pa noong 2015.


Marso nang humirit ang LRMC ng average P5 na fare adjustment at P7 para sa end-to-end trip mula Baclaran hanggang Roosevelt.

Pero hinikayat ni Senator Grace Poe ang transport official na huwag munang ipatupad ang fare increase dahil na rin sa pagtaas ng ilang bilihin at serbisyo bunsod ng TRAIN Law.

Facebook Comments