Idineploy na pulis para ngayong summer vacation, hindi na dagdagan pa ng PNP

Manila, Philippines – Hindi na dagdagan pa ng Philippine National Police ang mga idineploy nilang tauhan para tiyaking magiging payapa ang summer vacation ngayong taon.

Ito ay kahit na may naarestong mag asawang Syrian sa Taguig city na umanoy miyembro ng Islamic State of Iraq and Syria o ISIS.

Ayon kay PNP spokesperson Sr. Supt. Dionardo Carlos, hindi na kailangan pang dagdagan ang mga idineploy na pulis dahil wala namang banta ng terorismo.


Sapat na aniya ang bilang ng kanilang mga tauhan na idineploy ngayon taon para naman pumoste sa mga police assistance desk, bus terminals, paliparan at iba pang matataong lugar ngayong panahon ng bakasyon.

Inihayag pa ni Carlos na mas mataa ang bilang ng mga pulis na idineploy ngayong taon kumpara sa nakalipas na taon.

Nang nakalipas na taon aniya, 68 libong pulis ang kanilang idineploy habang ngayong taon ay 75 libong pulis ang idineploy ng PNP.
Nation”

Facebook Comments