IDOLO | Dwyane Wade, naging emosyonal, matapos malamang inilibing ang kaniyang fan suot ang kaniyang jersey

NBA – Hindi naiwasan ni Miami Heat Guard Dwyane Wade na malungkot matapos malaman na inilibing ang isa niyang fan na suot ang kaniyang jersey.

Sa kaniyang post sa Twitter, sinabi ni Wade na “you’re about to make me cry this afternoon” matapos mailibing si Joaquin Oliver.

Si Oliver ay isa sa labing-pitong teenager na napatay sa Douglas High School Parkland Mass Shooting at isang avid fan ni Wade.


Tuwang-tuwa pa nga raw ang binatilyo nang malamang bumalik sa Miami Heat si Wade matapos umalis sa Cleveland Cavaliers.

Facebook Comments