Nakatakdang magsagawa ng General Assembly at Induction Ceremony ang mga bagong opisyales ng International Education Consultants Alliance of the Philippines o IECAP sa August 12, 2023 sa Hotel Dusit sa Makati City.
Ang IECAP, ay isang organisasyon na nakatuon sa pagtulong sa mga Pilipino upang magkaroon ng de-kalidad na International Education sa iba’t ibang panig ng mundo.
Magkakaroon ng boses ang mga Filipino International Education Consultants para kumatawan at protektahan ang industriya, gayundin ang pagtataguyod at pagpapahusay sa maayos na kalidad na edukasyon sa international para sa mga Pinoy.
Manunumpa ang mga bagong officer na sina:
• President:
Catherine M. Altarejos (WorldConnect Consultancy Services, Inc.)
• Vice President for Internal:
Bertch Ian N. Ranis (Fil-Global Immigration Services Corporation)
• Vice President for External:
Ben Ryan B. Ybañes (Wise Immigration and Study Services)
• Secretary:
Mary Grace T. Batocabe (Outbound Education and Internships, Inc.)
• Treasurer:
Elma P. Lagamson (Convergence Documentation Services)
Bukod sa Induction Ceremony, magsasagawa rin ang nasabing kauna-unahang organisasyon sa Pilipinas ng training para sa mga kawani ng iba’t ibang ahensiyang kasapi upang mas maging handa sila sa pagharap sa mga bagong hamon at oportunidad.