Madaming buhay naman ang naisalba ng mga otoridad matapos maharang ang isang motorsiklo na naglalaman ng Improvised Explosive Device di lamang kalayuan sa Municipal Police Station ng Datu Odin Sinsuat PNP sa Dalican Area pasado alas otso kagabi.
Sa panayam ng DXMY kay DOS MPS COP CINS Sabri Lakibul, sinasabing pasado alas 4 ng hapon kahapon ng iparada ang isang Honda CB Motorcycle tatlumpong metro ang layo sa Police Station, dahil sa kahina – hinala at di na binalikan ang motorsiklo pasado alas otso kagabi agad na pinasuri ni CINS Lakibul ito resulta ng pagkakadiskubre ng IED na nailagay sa ilalim ng bangko ng motor.
Sinasabing may sangkap ng TNT ang IED kasama ang Cellphone na walang SIM ngunit maaring nakaalarm na dagadg ni Lakibul. Bagaman nakuhanan ng CCTV Footage ang nag- iwan ng motorsiklo, na sinasabing naka bonnet at naka jacket , hindi naman naging malinaw ang mukha nito.
Malaki ang paniniwala ni COP Lakibul na maaring iniwan lamang ang motor na nagdadala ng IED sa Dalican at nakatakdang dalhin sa bayan ng Shariff Aguak na nagdiriwang ng kanilang anibersaryo.
Ito na ang ikalawang pagkakataong nakaharang ng Vehicle na naglalaman ng IED ang DOS MPS. Matatandaang isang IED rin ang nakuha mula sa isang passenger van sa checkpoint sa Tamontaka Area.
Kaugnay nito, ang grupong BIFF ang itinuturong nasa likod ng tangkang pagpapasabog dagdag ng kapulisan.
FB PIC