IED NAREKOBER SA SHARIFF AGUAK MAGUINDANAO

13

Isang improvised exlosive device ang narekober ng Shariff Aguak Pnp sa boundary ng barangay Kuloy at barangay Tapikan sa bayan ng Shariff Aguak Maguindanao pasado alas diyes ng umaga kahapon. Itoy nakita ng mga sibilyan sa lugar.
Ang nasabing bomba ay yari sa bala ng 105 howitzer na may kasamang cellfone at 9 volts battery na itinali sa kulay kayumangging packing tape.
Posible umanong target ng bomba ang mga sundalo at Milf na nagsasagawa ng pursuit operation laban sa ISIS inspired group na Jamaatul Muhajireen Al Wansar na pinamumunuan ni Esmael Abdulmalik alyas Abu Turayfe sa loob ng SPMS box.
Kaagad naman itong dinisruupt ng 32nd EOD team ng Phil Army ang nasabing IED. (Michael Suan)

Facebook Comments