iFM Cauayan at Volunteer Doctor, Namahagi ng Tulong sa mga Agta sa Cagayan

26

*Cauayan City, Isabela*- Namahagi ng tulong sa mga Agta ang RMN Foundation na pinangunahan ng iFM Cauayan at isang award winning volunteer doctor na si Dra. Zsa Zsa Meneses sa Brgy. Callungan sa Bayan ng Sanchez Mira at Brgy. Culao, Claveria, Cagayan kahapon (December 27, 2019).

Una rito, tinanggap ng mga Agta ang ilang pangunahing gamit gaya ng mga damit, school supplies at relief goods.


Bakas sa mga kapatid na Agta ang saya ng mapili ang kanilang lugar na mapagkalooban ng nasabing tulong at hiling nila ang masayang pagsalubong sa bagong taon kahit na nakaranas ang mga ito ng sakuna sa mga nagdaang bagyo.

Tiniyak naman ng RMN Foundation katuwang si Dra. Meneses ang patuloy na paghahatid ng tulong sa mga kapus palad nating mga kababayan.

Facebook Comments