IFM DAGUPAN AT BJMP URDANETA CITY JAIL, PAIIGTINGIN ANG PAGKILALA SA MGA PDLs

Lumagda sa Memorandum of Agreement (MOA) ang RMN Network News – IFM Dagupan at ang BJMP Urdaneta District Jail – Male Dormitory, noong Biyernes, Nobyembre 28, sa ginanap na maikling seremonya sa Urdaneta City.

Sa ilalim ng kasunduan, paiigtingin ang information drive bilang pagkilala sa mga Persons Deprived of Liberty (PDLs) maging ang kanilang mga pag-usad at pagbabago sa tulong ng mga programang nagpapakita ng kanilang rehabilitasyon at integrasyon sa lipunan.

Layunin nitong magsilbing inspirasyon hindi lamang para sa mga PDLs, kundi pati na rin sa komunidad na naniniwalang may pangalawang pagkakataon para makapagsimulang muli.

Samantala, gaganapin tuwing unang Sabado ng kada buwan ang broadcast sa programang IFM At Your Service mula 9AM hanggang 1PM.

Nakatakda namang simulan ang pagbuo at konsultasyon para sa isasagawang programa sa mga susunod na linggo katuwang ang BJMP. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments