IFM DAGUPAN AT RMN FOUNDATION, NAGHATID NG TULONG PARA SA MGA NASALANTA NG BAGYONG EMONG

Tunay ngang laging bukas ang puso ng Radio Mindanao Networks Foundation sa panahon ng pangangailangan kaya naman sa bawat kinaharap na sakuna o kalamidad ay nariyan sila upang tumulong.
Sa nagdaang bagyong Emong, isa ang siyudad ng Dagupan sa lubhang naapektuhan ng pagbaha.
At kahit na sa ngayon ay nakararanas na tayo ng magandang panahon ay hindi pa rin tuluyang nakakabangon ang ilan sa mga Dagupeños sa naranasang kalamidad.
Kaya naman ang 104.7 iFM Dagupan katuwang ang RMN Foundation ay nagkasa ng Oplan Tabang: Dagupan Relief Operation 2025.
Kung saan tatlong barangay ang napiling mabigyan ng relief goods ng ating tanggapan kabilang na ang Barangay Bacayao Sur, Bacayao Norte, at Lasip Chico.
Ito ay masusing pinili base na rin sa suhestiyon ng lokal na pamahalaan ng Dagupan dahil ang mga naturang barangay ay ilan lamang sa mga lubhang nakaranas ng pagbaha.
Sumatutal ay 127 na pamilya ang ating nahandugan ng relief packs na naglalaman ng bigas, tubig, hygiene kits, at grocery packs.
Abot tenga naman ang ngiti sa mga labi at puno ng pasasalamat ang mga pamilyang nakatanggap nito.
Ang inisyatibong ito ng iFM Dagupan at RMN Foundation ay patunay lamang na hindi natatapos sa musika at pagbabalita ang aming pagbibigay serbisyo sa Masang Pilipino. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments