Matagumpay na naisagawa kahapon, March 30, 2026, ang “Dugtong-Buhay: Blood Donation Project 2026” na pinangunahan ng RMN Networks at 104.7 iFM Dagupan, katuwang ang RMN Foundation, SM Center Dagupan, at Region 1 Medical Center.
Isinagawa ang blood donation drive bilang bahagi ng patuloy na pagbibigay-serbisyo publiko at pasasalamat sa mga tagasuporta ng istasyon, kung saan ilang mga indibidwal ang nakiisa upang magbigay ng dugo para sa mga pasyenteng nangangailangan.
Layunin ng proyekto na madagdagan ang suplay ng dugo sa blood bank ng Region 1 Medical Center, na magagamit sa mga emergency cases at iba pang kritikal na pangangailangan sa rehiyon.
Bilang munting pasasalamat, nakatanggap ng tig-5 kilong bigas ang unang 30 na donors na matagumpay na nakapag-donate ng dugo sa nasabing aktibidad.
Naging matagumpay ang proyekto sa tulong ng iba’t ibang katuwang at sponsors mula sa pampubliko at pribadong sektor kabilang ang Jose Jacinta’s Grill and Restaurant, Meditek Medical Clinic & Laboratory, Tri M T-Shirt Printing, DECORP – Dagupan Electric Corporation, Mayor Doc Ming Rosario, NIA Region I, Board Member Haidee S. Sanchez-Pacheco, at San Fabian Angels Foundation sa pangunguna ni Marlyn Narvarte.
Sa huli, muling pinatunayan ng nasabing inisyatibo ang diwa ng bayanihan, kasabay ng panawagang ipagpatuloy ang adbokasiyang “Donate blood, save lives.” | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










