IFM DAGUPAN, NAGHATID NG EMOSYONAL NA MOTHER’S DAY SURPRISE SA “IDOL KO SI NANAY” PROMO

Isang espesyal at punong-puno ng emosyon na selebrasyon ng Mother’s Day ang inihatid ng iFM Dagupan sa pamamagitan ng “Idol Ko si Nanay” promo.
Pinangunahan ito ng 104.7 iFM Dagupan, kasama ang Mommy’s Kitchenette, Mils Printing Services, GL Aesthetic Works & Spa, at Highlands Flower Shop Dagupan.
Mula sa mga kalahok na nagbahagi ng taos-pusong kwento at mensahe ng sakripisyo, inspirasyon, at walang kapantay na pagmamahal ng isang ina online, personal na tinungo ng IFM Dagupan Team na nag-ala secret delivery crew, ang kani-kanilang tahanan upang ihatid ang kanilang premyo.
Sampung masusuwerteng kalahok ang hinandugan ng gift certificates, masasarap na pagkain, iFM t-shirts, at mga bulaklak.
Kabilang sa mga nakakuha ng papremyo para sa kanilang ina ay sina: Rosenda Hikayo, Rosalie Agosto Bonzo, Nineveh De Guzman, Joan Gabrillo Clauna, Marie Quimson Cestina, CJ Cornel, Althea Molina, Elena Junio, Lea Martin, at Neil Christine Sabadisto.
Laking pasasalamat naman ng mga nagwagi sa iFM Dagupan na patuloy na nagpapasaya at nagbibigay-pugay sa mga tunay na bayani ng tahanan—ang ating mga Nanay.
Samantala, asahan na ang iFM Dagupan sa paghahatid ng mga programang hindi lang nagbibigay aliw, kundi nag-uugnay rin sa puso ng bawat tagapakinig. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments