IFM DAGUPAN, NAKIISA SA KATATAPOS NA BLOOD LETTING ACTIVITY SA LUNGSOD NG DAGUPAN

Nakiisa ang IFM Dagupan sa ginanap na Blood Letting Activity “Dugo mo, Dugtong Buhay ko!” sa pangunguna ng KBP Pangasinan Chapter noong ika-25 ng Pebrero, sa Atrium CSI The City Mall, Brgy. Lucao, Dagupan City mula 10AM-5PM.
Katuwang ang Lungsod ng Dagupan, R1MC, CSI The City Mall at KBP Pangasinan Member Station ay matagumpay na naisagawa ang nasabing programa.
Ang IFM Dagupan staff ay nakiisa at nag donate ng dugo upang makatulong sa mga Idol nating nangangailangan ng dugo.

Maituturing na isang bayani ang isang blood donor sapagkat ang dugo nila ang nagdurugtong ng buhay sa isang tao.
Ang bloodletting activity na ito ay ang paraan upang makatulong at maiwasan ang kakulangan ng supply ng dugo na kadalasan na ginagamit sa mga operasyon at may mga kritikal na kondisyon.
Kaya sa iba pang nakilahok! Mabuhay tayong mga Blood Donor! |ifmnews
Facebook Comments