Simple ngunit makabuluhan ang isinagawang aktibidad ng 104.7 IFM Dagupan kahapon, December 15, bilang bahagi ng programang “Makakarating Ngayong Pasko 2025,” na layong maihatid ang diwa ng Pasko sa mga manggagawang patuloy na humaharap sa araw-araw na hamon ng buhay.
Masigasig na nilibot ng mga Idol ng IFM ang ilang bahagi ng Dagupan City, Mangaldan, at Mapandan, kung saan umabot sa tatlumpung indibidwal ang napagkalooban ng aguinaldo.
Baon ng bawat benepisyaryo ang kani-kanilang kuwento ngayong Kapaskuhan, kaya’t ramdam ang tuwa at pasasalamat nang kanilang tanggapin ang munting handog ng IFM na kinabibilangan ng IFM T-shirt, ACS gift pack, food pack, donut, at bottled water.
Naging posible ang aktibidad sa tulong ng iba’t ibang katuwang na brand at organisasyon, kabilang ang Donut Park, Sweet and Savory, C and A Printing Shop, Quinn’s Water Refilling Station, Jose Jancinta’s Grill and Restaurant, ACS Manufacturing Corporation, Ma. Corrina Canoy Feeding Program, RMN Foundation, at Radio Mindanao Network.









