iFM Laoag sa Mr. and Miss PNHS Palaro 2017 sa Piddig, Ilocos Norte

139

Kinoronahan sina Russel Magno at Ma.Shaina Bautista sa katatapos na Mr. and Miss Piddig National High School Palaro 2017 sa Nadayag Hall sa nasabing eskwelahan noong September 7, 2017.

Ang event ay may layunin na ipromote ang goodwill sa mga estudyante ng PNHS.


Sinalihan ito ng 33 nagguguapohan at naggagandahang kandidato at kandidata (19 na babae at 14 na lalake) sa nasabing pageant.

Si DJ Gina V ng Dear iFM ay isa sa mga hurado, siya rin ang pumili at naggawad ng corporate award na Mr. and Ms. iFM 2017.

Ang naturang pageant ay dinaluhan din ng ex Mayor ng Piddig na si Engr. Eduardo Eddie Guillen at guest speaker na si Miss Ju Ana Minette R. Tejada, Medical Technologist of Rural Health Unit of Piddig.

Facebook Comments

From Advertisers