Baguio, Philippines – Inaprubahan ng konseho ang inihaing ordinansa kung saan ay idinedeklara ang huling sabado ng buwan ng Abril bilang Ifugao Day sa Lungsod ng Baguio City.
Base sa ordinansang inihain ni Vice Mayor Edison Bilog ay magiging regular na aktibidad ng lokal na gobyerno ang pagdaraos ng Ifugao Day sa Baguio City kung saan ay magkakaroon ng mga Parada, ritwal, Community Dance Competition at iba pa.
Nais ipakita sa ordinansang ito na ang mga indigenous people mula sa iba’t ibang tribo ang dahilan kung bakit lalong umuusbong ang Baguio City sa larangan ng kultura at tradisyon.
iDOL, good news ito para sa mga kasama natin.
Facebook Comments