Ibinaba na ng Inter-Agency Task Force (IATF) sa Alert Level 3 ang Ifugao province.
Ayon kay acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles, magiging epektibo ito simula bukas, February 1 hanggang February 15.
Dating nasa Alert Level 4 ang Ifugao province dahil sa mataas na kaso ng COVID-19 sa probinsya dahil sa Omicron variant.
Samantala, inanunsyo rin ng Department of Transportation (DOTr) na suspendido na ang “No Vaxx, No Ride” Policy sa Metro Manila simula bukas dahil isasailalim na ito sa Alert Level 2.
Facebook Comments