IGINIIT | 2019 proposed budget, malabong maaprubahan ngayong taon

Manila, Philippines – Iginiit ng liderato ng Senado na hindi na sapat ang nalalabing panahon para maaprubahan ng senado ang panukalang 2019 national budget bago matapos ang taon.

Ito ang inihayag ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri matapos silang makipagpulong nina Senate President Tito Sotto III kanina kay House Speaker Gloria Arroyo at iba pang leader ng Kamara.

Ayon kay Zubiri, malaki ang posibilidad na reenacted budget ang gamitin ng gobyerno sa simula ng taong 2019.


Kwento ni Zubiri, prangkang sinabi ni Sotto na hindi nila mapagbibigyan ang nais ni Speaker Arroyo na madaliin nila ang proseso ng pagpasa sa budget sa oras na iakyat na ito sa kanila sa susunod na linggo.

Paliwanag ni Zubiri, kailangan nilang busisiin at pag-aralang mabuti ang pambansang budget bago ito ipasa.

Punto pa ni Zubiri, maikli na lang oras na meron sila para sa himayin ang budget dahil magtatapos na ang kanilang sessopn sa December 12 at magbabalik sa january 14 ng susunod na taon.

Facebook Comments