Manila, Philippines – Walang legal na batayan ang AFP para sumailalim sa court martial si Senador Antonio Trillanes IV.
Ito ang mariing paninindigan ni Magdalo Representative Gary Alejano sa naging pahayag ng AFP na isailalim sa court martial si Trillanes.
Sa ginanap na forum sa Kapihan sa Manila Bay na kaya sila pumasok sa politika para ituloy ang kanilang sinimulan sa legal na pamamaraan na dapat sundin ng Duterte Administration.
Paliwanag ni Alejano na hindi na bahagi ng AFP ang senador dahil nakasaad sa omnibus code sa oras na nag-file si Senator Trillanes ay otomatikong sibilyan na ang senador.
Giit ni Alejano na naunang nag-file si Trillanes ng kanyang kandidatura kaya otomatikong resign na siya sa AFP kaya walang basehan para i-court martial si Trillanes.