IGINIIT | ALU-TUCP, may gustong baguhin sa probisyon ng isinusulong work from home scheme

Manila, Philippines – Iginigiit ng Associated Labor Unions-Trade Union Congress of the Philippines (ALU-TUCP) ang pagdaragdag ng probisyon sa isinusulong na work from home scheme.

Ayon kay ALU Spokesperson Alan Tanjusay, bagaman at paborable ang scheme sa mga manggagawa, inaalis naman nito ang pagkakataon para makapag organisa at magkaroon ng kapangyarihan sa bargaining agreement ang mga manggagawa.

Aminado si Tanjusay na kakagatin partikular ng mga nakababatang hanay ng mga manggagawa sa lungsod ang work from home scheme dahil sa hindi na nila kailangan ang araw araw na pakikipagbuno sa matinding traffic o siksikan sa MRT-3.


Dahil dito, iminungkahi ng ALU ang pagbalangkas ng DOLE ng Implementing Rules and Regulation (IRR) para makamit ang hangarin ng mga empleyado at napoprotektahan din ang mga empleyado.

Ang Telecommuting Act ay nakalusot na sa ikatlo ang huling pagbasa sa House of Representatives at nag-aantay na lamang ng katapat na panukala sa Senado.

Facebook Comments