IGINIIT | Angkas, hindi dapat pagbawalan sa lansangan

Manila, Philippines – Ipinahayag ng isang dating opisyal ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na kailangan lamang i-regulate ang motorcycle ride-sharing service na Angkas sa halip na pagbawalan ito sa lansangan.

Ayonn kay Atty. Ariel Inton, presidente ng Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP), hindi dapat gamitin ng LTFRB ang isyu ng safety para pagbawalang mag-operate ang Angkas dahil ang mga motorcycle drivers naman nito ay may mataas na antas ng kasanayan sa pagmamaneho.

Aniya kung hindi safe ang motorsiklo ay di sana ito binebenta sa buong mundo.


Sinabi pa ni Inton na nagiging peligroso lamang ang motorsiklo kapag hindi safe ang driving ng motorcycle driver.

Tuloy naman sa panghuhuli ang mga law enforcement units sa Angkas drivers kasunod ng naging pagpigil ng Korte Suprem sa Mandaluyong RTC na hadlangan ang LTFRB sa panghuhuli.

Naninindigan naman ang Angkas na tuloy-tuloy pa rin ang kanilang operasyon at nakahanda ito na saluhin ang mga multa na ipapataw ng LTFRB.

Facebook Comments