Manila, Philippines – Pinaalahanan ng Department of Education (DepEd) ang lahat ng public at private schools na ipatupad ang anti-bullying policies nito.
Ito ay kasunod na rin ng viral video ng junior high school student ng Ateneo de Manila University na nanapak at nanadyak ng kapwa estudyante.
Ayon sa DepEd – dapat pairalin ng lahat ng educational institutions ang DepEd child protection policy.
Binigyang diin din ng ahensya ang ‘zero tolerance’ sa lahat ng uri ng violence laban sa mga bata.
Ang mga hindi tatalima sa kautusan ng DepEd ay mahaharap sa parusa.
Sa datos ng DepEd, aabot sa 22,059 incidents ng bullying ang naitala sa buong bansa nitong school year 2016-2017 kung saan sa Metro Manila narekord ang pinakamataas na kaso.
Facebook Comments