IGINIIT | Barangay Health Stations project, dapat tapusin ng DOH

Manila, Philippines – Iginiit ni Senador Sonny Angara sa Department of Health (DOH) na tapusin ang Barangay Health Stations (BHS) project na pinondohan ng P8.1-billion.

Pahayag ito ni angara makaraang lumabas sa pagdinig ng Senado na 218 units lamang mula sa kabuuang 5,700 units ng barangay health stations ang naitayo.

Diin ni Angara, makabubuting kumpletuhin ang BHS project dahil maganda ang layunin nitong mabigyan ng serbisyong medikal ang mga malalayong lugar at mahihirap na sektor ng lipunan.


Ayon kay Angara, dapat maibigay sa mga benepisaryo ng mga Barangay Health Stations ang primary care package na tinawag na checkup o tamang serbisyo sa kalusugan ng pamilya.

Sabi ni Angara, nakapaloob dito ang mahalagang serbisyong medikal tulad ng physical and diagnostic examinations, medical consultation at mga medisina.

Facebook Comments