Manila, Philippines – Naniniwala si dating Commission on Elections (Comelec) Chairman Sixto Brillantes na napapanahon na para repasuhin ang umiiral na batas ng party-list system.
Ayon kay Brillantes, hindi na marginalized sector ang nirerepesenta ng karamihan sa mga tumatakbo at nakaupong partido sa Kongreso.
Kinuwestyon din ni Brillantes ang adbokasiya ng mga kumakatawan sa bawat party-list dahil sa kaso ng ilang representative na tumatalon din sa ibang partido.
Taong 2013 nang aprubahan ng Korte Suprema ang bagong guidelines ng party-list system kung saan hindi na lamang mga sectoral at regional groups ang maaring mag-file ng Certificate of Nomination and Acceptance (CONA).
Facebook Comments