IGINIIT | BBL, ipaubaya na lamang sa mga maaapektuhan nito

Iginiit ni Anak Mindanao Rep. Amihilda Sangcopan na ipaubaya na lamang sa mga taong maaapektuhan ang Bangsamoro Basic Law.

Ayon kay Sangcopan, ang mga apektado ng BBL ang siyang dapat na magbigay ng pinal na hatol dito sa kabila ng puna ng ilang sektor na watered down o malabnaw ang bersyon ng BBL na inaprubahan kahapon ng Bicameral Conference Committee.

Para kay Sangcopan, bagamat hindi perpekto ang inaprubahang BBL, maganda na itong panimula bilang framework sa pagtatatag ng tunay na otonomiya para sa bangsamoro people.


Malaking hamon pa ang kakaharapin ng bangsamoro dahil matapos ang lehislasyon ay saka pa lamang mag-uumpisa ang tunay na trabaho para sa kanilang self-governance.

Sa Nobyembre isasalang sa Regional Plebiscite ang BBL para paaprubahan sa mga residente ng mga lalawigang masasakop ng itatatag na Bangsamoro Autonomous Region.

Kabilang dito ang mga probinsiya na sakop na ngayon ng ARMM at maaaring mapasama dito ang Cotabato City, Isabela City, anim na bayan sa Lanao del Norte at tatlumput siyam na barangay sa North Cotabato kung sakaling bomoto din sila pabor dito.

Facebook Comments