Manila, Philippines – Nagpasalamat si dating Senador Bongbong Marcos sa pagkilala sa kanya ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang napipisil na susunod na mamuno ng bansa.
Pero nanawagan si Marcos na huwag munang bitawan ni Pangulong Duterte ang kanyang pwesto.
Ani Marcos, kailangan ng taumbayan si Pangulong Duterte lalo na sa pagtataguyod ng maayos na buhay.
Una nang sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na magbibitiw si Pangulong Duterte kapag nanalo si Marcos sa electoral protest nito laban kay Vice President Leni Robredo.
Facebook Comments