IGINIIT | Boracay, hindi na ‘cesspool’ – DENR

Aklan – Hindi na matatawag na “cesspool” ang Boracay.

Ito ang iginiit ni DENR Secretary Roy Cimatu kasabay ng pagsisimula ng dry run o pagsasanay para sa pagbubukas ng isla ng Boracay na nakatakda sa Oktubre 26.

Matatandaang sinara noong Abril ang Boracay para sa anim na buwang rehabilitasyon ng sewage system at pagbuwag ng mga ilegal na istruktura.


Kinumrpima naman ni DOT Secretary Bernadette Romulo Puyat na anim na resort ang nahuli ng Boracay Inter-Agency Task Force (BIATF) na tumanggap ng bookings kahit hindi pa pinahihintulutan.

Habang isang hindi pinangalanang malaking hotel ang nahuling nameke ng kanilang environmental compliance certificate.

Sa ngayon nasa 68 establisimyento pa lang ang nakakakuha ng kanilang compliance certificate mula sa BIATF.

Pero umaasa ang BIATF na madadagdagan pa ito ng nasa 30 porsiyento bago ang soft opening ng Boracay sa Oktubre 26.

Facebook Comments