IGINIIT | Buhay Karinderya Program, suspendido sa kasalukuyan – DOT

Manila, Philippines – Iginiit ng Department of Tourism na suspindido ang Buhay Carinderya Program ng Tourism Promotions Board (TPB), ito ay sa kabila ng mga ulat na nagpapatuloy ang naturang programa sa North Luzon Roadshow.

Ayon kay Tourism Secretary Bernadette Puyat, walang katotohanan ang kumakalat na balitang ito, dahil base na rin sa Memorandum na ibinaba niya noong May 18, nakasaad na bukod sa pagsususpinde sa lahat ng proyekto ng Tourism Promotions Board, kabilang dito ang Buhay Carinderia program.

Hindi na rin aniyang labas ng pondo ang DOT para sa kahit ano mang programa ng TPB.


Dahil dito, ayon kay Puyat, sakali mang nagpapatuloy ang Buhay Carinderia program, wala aniyang kinalaman ang DOT at hindi dapat sila idawit dito.

Tiniyak rin ng kalihim, na sa oras na mayroong silang mapatunayan na nagpapatuloy na aktibidad ng programa, ay gagawan nila ito ng kaukulang aksyon

Facebook Comments