IGINIIT | CBCP, iginiit na hindi kaaway ng gobyerno ang simbahan

Manila, Philippines – Iginiit ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na hindi kaaway ng pamahalaan ang simbahan.

Ayon kay CBCP Vice President Bishop Pablo Virgilio David, katuwang ng pamahalaan ang simbahan sa maraming adbokasiya partikular na ang pagtulong sa mga mahihirap.

Aniya, ang simbahan ay bukas sa lahat pati sa mga makasalanan at hindi sila nagkulang para ituwid ang pagkakamali ng bawat isang kasama sa simbahan.


Hindi na rin aniya nila sasagutin pa ng pagkamuhi ang mga insulto sa social media at nanawagang muli ang mga ito sa mga mananampalataya na ipanalangin na lamang ang mga kumukutya sa simbahan.

Facebook Comments