IGINIIT | CGMA, nais na mabuo ang disaster department

Nais ngayon ni House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo na mabuo na ang disaster department na siyang tututok sa oras ng bagyo o anumang kalamidad sa bansa.

Ayon kay Arroyo, dapat ay full time daw ang isang ahensya sa pagta-trabaho kapag may ganitong bagyo.

Dagdag pa ni Arroyo, imposible na daw iasa pa kay Department of National Defense (DND) Secretary Delfin Lorenzana ang ganitong tungkulin dahil terorismo at seguridad ng bansa ang kaniya namang tinututukan.


Sinabi pa ng mambabatas na problema naman ng mahihirap na komunidad nakatuon ang atensyon ng Department of Social and Welfare Development (DSWD).

Iginiit pa ni Arroyo, bukod sa pagbuo ng naturang ahensya ay makakatulong ang isang kalihim na itatalaga rito upang maagap na matugunan ng gobyerno ang mga pangangailangan sa panahon ng kalamidad.

Facebook Comments