Manila, Philippines – Iginiit ni Senate Minority Leader Franklin Drilon kay Chief Justice Teresita Leonardo de Castro na mag-inhibit o huwag lumahok sa anumang isyu o kasong politikal na nakahain sa Supreme Court.
Diin ni Drilon, ito ay para maingatan ang integridad ng anumang ibababang desisyon ng Supreme Court sa loob ng maikling panahon ng panunungkulan ni de Castro.
Ito rin ang nakikitang paraan ni Drilon para mapawi ang mga hinala sa tunay na layunin ng pagkatalaga kay de Castro at sa mga pagdududa sa pagiging patas nito sa ilang usapin.
Ayon kay Drilon, sa loob ng dalawang dekada ay nakilala niya si de Castro na may taglay na talino at integridad.
Gayunpaman, hindi umaasa si drilon na may malaking magagawa si de Castro sa hudikatura sa loob ng limang linggong pagganap nito sa tungkulin.