IGINIIT | Commuters group, naniniwala na pag-aaksaya lang ng panahon ang imbestigasyon sa Xiamen plane

Manila, Philippines – Tinawag ng grupong Lawyers’ For Commuters Safety and Protection (LCSP) na pag-aaksayahan lamang ng panahon imbestigasyon sa Senado man o Kamara patungkol sa kinasangkutang aksidente ng isang eroplano ng Xiamen Airlines sa runway ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ayon kay LCSP President Atty. Ariel Inton, wala namang may kagustuhan sa pangyayari.

Ginawa naman aniya ng mga airport at transport officials ang lahat ng paraan para tulungan ang mga apektadong pasahero.


‘On track’ naman ang ginagawang airport development at upgrading projects ng gobyerno sa iba’t-ibang paliparan sa buong bansa.

Aniya, kung palaging mananaig ang palitan ng sisi ay wala aniyang idudulot na kabutihan ito para sa ikauunlad ng air transportation industry ng Pilipinas.

Facebook Comments