IGINIIT | CPP Founder Joma Sison, uuwi ng bansa kapag pinirmahan ang CASER

Manila, Philippines – Nanindigan na mismo si Communist Party of the Philippines Founder Jose Maria Sison na uuwi siya ng Pilipinas sa isang kundisyon.

Ayon kay Sison, dapat malagdaan muna ng gobyerno at National Democratic Front of the Philippines (NDFP) ang Comprehensive Agreement on Social and Economic Reforms (CASER).

Aniya, ang pagpirma sa CASER ang magsisilbing ‘heart and soul’ ng government-NDFP peace negotiations para maresolba ang ugat ng communist insurgencies.


Dagdag pa ni Sison, sa neutral venue din dapat ito mapirmahan.

Kung patuloy ipinagpapaliban ni Pangulong Rodrigo Duterte ang peace talks, ipagpapaliban din niya ang kanyang pag-uwi sa Pilipinas.

Facebook Comments