Manila, Philippines – Isinusulong ng Department of Agriculture (DA) sa National Food Authority (NFA) na gawing legal ang mga smuggled na bigas.
Ito ay kasunod ng pagkakasabat ng mga kontrabandong bigas sa Basilan.
Ayon kay Agriculture Secretary Manny Piñol, nais nilang magkaroon ng NFA trading centers sa probinsya kung saan lahat ng mga kontrabandong bigas ay lalagyan ng dokumento at taripa.
Base sa tala ng DA, limang porsyento lamang ang self-sufficient o kayang mag-supply ng bigas sa Basilan habang dalawang porsyento naman sa Sulu at isang porsyento sa tawi-tawi.
Aminado ang kalihim, talamak ang bentahan ng mga kontrabandong bigas sa lugar dahilan para hindi na magtanim ang mga magsasaka at mapahirap ang sitwasyon ang pagpapabagsak ng commercial rice sa mga lalawigan.