IGINIIT | Damdamin ng taong bayan prayoridad ng bagong LP – Sen. Pangilinan.

Manila, Philippines – Naniniwala si Senador Francis Kiko Pangilinan na sa pamamagitan ng paggaya sa pamamaraan ni dating US President Barrack Obama na tinawag nilang “Obama campaign” kung saan ay door to door campaign ang kanilang ginagawa upang makuha ang tunay na pulso ng bayan tungkol sa kanilang mga pananaw sa gobyerno.

Sa ginanap na Forum sa Kapihan sa Manila Bay sinabi ni Senator Pangilinan na noong October 6 ay pinasinayaan nila ang LP initiated project na makinig kung saan ay nagsasagawa sila ng pag mobilisa at apat na libong mga volunteers na t-shirt lamang ang kanilang mga gamit para ipakalat ang kanilang mga programa sa taong bayan.

Paliwanag ni Pangilinan nagkaroon sila ng regrouping upang baguhin ang imahe ng LP sa public sentiment kung saan ang liderato ng party ay regroup at pipili ng mga non politician kung saan pinasinayaan nila ang online recruitment at 10,000 kailangan para ma-transform ang party.


Giit ng senador napakahalaga ng sentimiyento ng publiko na dapat pakinggan ng kanilang grupo at pag-aralan ng husto kung anu-ano ang mga solusyon sa kanilang mga inilatag na mga problema.

Facebook Comments