IGINIIT | Dating CJ Sereno, naniniwalang diktaturya lamang ang nais ng mga nagsusulong ng cha-cha

Quezon City – Dumalo si dating Chief Justice Maria Lourdes Serenosa anti-Duterte rally harap ng St. Peter’s Parish sa Commonwealth Avenue sa Quezon City.

Sa kaniyang talumpati, iginiit ni Sereno na bistado na diktaturya lamang ang nais ng mga nagsusulong ng charter change o cha-cha kaya dapat itong tutulan.

Ayon pa kay Sereno, mabigat na sa konsensya ang pamamahala ni Pangulong Rodrigo Duterte kaya bakit pa raw papayagang maipasa ang cha-cha.


Aniya, lalo lang nitong hahatiin ang bansa.

Maliban rito, binatikos rin ni Sereno ang mga pag-atake sa mga institusyon tulad ng Commission on Human Rights (CHR) gayundin ang mga pagpatay kontra ilegal na droga.

Facebook Comments