IGINIIT | Death squad vs NPA, hindi solusyon sa mga problema ng bansa

Manila, Philippines – Iginiit ni Senator Kiko Pangilinan na hindi makakatulong sa pagresolba sa mga problema ng bansa ang banta ni Pangulong Rodrigo Duterte na pagbuo ng death squad laban sa New Peoples Army o NPA.

Diin ni Pangilinan, sa halip na matugunan ang pagtaas ng presyo bilihin at kakulungan ng trabaho ay lalo lamang titindi ang karahasan at magmimistulang wala ng batas na iiral kapag natuloy ang nais na death squad ng Pangulo.

Naniniwala naman si Trillanes na may tatlong layunin si Pangulong Duterte sa bantang death squad kung saan pangunahin ang pagpapalaganap ng takot sa puso’t isipan ng mamamayan.


Ikalawang, ayon kay Trillanes ay ang paglinlang sa International Criminal Court o ICC na ngayon lang siya bubuo ng death squad at wala siyang kinalaman sa mga naganap ng kaso ng patayan sa bansa.

At ang ikatlo aniya ay para makuha ang atensyon ng media at ng publiko mula sa misteryosong mga kasunduan na pinasok ng gobyerno sa China.

Binanggit din ni Trillanes ang kwestyunable umanong pagpili sa telecommunication company na pag-aari ng kaibigan ng Pangulo at sa 11-billion pesos na shabung nakalusot sa bansa.

Facebook Comments