Manila, Philippines – Muling iginiit ni Department of Education (DepEd) Secretary Leonor Briones na ang pinaka layunin talaga ng K to 12 program ay mas mapagbuti ang kalidad ng edukasyon sa bansa at hindi makapagbigay agad ng trabaho sa mga senior high school graduates.
Ang pahayag ay ginawa ng kalihim matapos ang ilang ulat na nagsasabing failure ang naturang programa dahil sa kabiguang magkaroon ng trabaho ang mga nagsipagtapos ng K to 12 dahil sa tinatawag na skills-job mismatch.
Ayon kay Briones, hindi lahat ng nagtapos ng senior high school ay nagtatrabaho na agad dahil 61 percent dito o 700,000 to 800,000 ng mga graduates ay ipinagpapatuloy ang kanilang pag-aaral sa kolehiyo
Pero 28 percent ng mga graduates na kumuha ng technical vocational ay agad nagkakaroon ng trabaho dahil sa work immersion o othe job training na isang rekesitos sa SHS.
Paliwanag pa ni Briones nang dahil sa K to 12 program, binibigyan ng magandang oportunidad ang mga estudyante upang mapaghusay ang kanilang edukasyon tungo sa mas maganda at kalidad na pamumuhay.